Isa sa pinaka sikat na skate park at dinadayo ng mga skaters sa buong bansa at kahit mga dayuhan na galing sa ibat-ibang bansa ay nakalaro na rin d2. Maliit lamang ito kung tutuusin, pero ilang pribadong individual at grupo na nag paganda at gumastos upang ito ay malagyan ng simpleng obstacles at makukulay na street grafitti para sa ikasisiya ng mga sk8rs dito. Naging piknik ground para sa mga pamilya ng mga skaters, naging tambayan at higit sa lahat naging parte na ng History of skateboarding sa Pilipinas ang lugar na ito. Ngunit, subalit, datapwa't ngayon ay isa nang basketball court.
Sa dinami-daming basketball court sa Manila ang hindi ko maisip bakit pati ang maliit na lugar na ito ay pinagtripan pang gawing basketball arena..................ano ang dahilan pulitika ba?
No comments:
Post a Comment